Lizard Wings

Reality is Stranger than Fiction

W.I.L.D.6- kiss

para kang batang ninakawan ng halik pagkatapos ng isang buong gabing pagsasama at bawat minutong lumilipas ay unti-unting nauupos ang kaligayahan dahil sa nalalapit mong paglisan.

lalong lalo na sa tuwing hinahawakan ko ang iyong kamay ay iniiiwas mo ito, palatandaan na hindi ka talaga kailanman naging akin. minahal ba kita? minahal moba ako? katulad ko din, na kailanman ay hindi naging sa’yo.

Para hindi magtampo si Mideo at sabihing unfair ako, eto ang video ng news report tungkol kay Raul Cabonce. 

eto din ang facebook niya: http://www.facebook.com/raul.cabonce

at ang sandamakmak na hate-groups sa facebook:

http://www.facebook.com/search.php?q=raul+cabonce&init=quick&tas=0.854097057832405

W.I.L.D. 5 -Raul Cabonce

Iiklian ko lang ang sulat na ito. Eto na ang magpapataob kay Mideo Cruz, dahil kung ang sining na ginawa ni Mideo ay personipikasyon ng “katotohanan”, Si Raul Cabonce na ata ang “person” at ang katotohanan sa personipikasyong ito. Dahil kay Raul Cabonce, naging child’s play ang art ni Mideo. 

Hulog ng langit ang turing ni “Leah” kay Fr. Raul Cabonce nang alukin siya nitong maging iskolar.

Sa St. Anne convent sa Tubay, Butuan tumira si Leah habang nag-aaral.

“Parang bahay ko lang ‘yun. Tapos masaya pa ‘ko dahil nagseserbisyo ako sa isang pari,” sabi ni Leah.

Isang gabi noong Pebrero, nagulat si Leah nang utusan siya ni Fr. Cabonce na magmasahe.

Bigla siyang pinaghahalikan at hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan.

“Sabi niya huwag ka mag-fight back para hindi kita masaktan. Natakot na ako, tapos sabi niya hawakan mo ‘yung ilalim ng unan. Paghawak ko, nandun ‘yung baril,” sabi ni Leah.

Nasundan pa ng 2 beses ang pang-aabuso.

“Sabi niya huwag mo ko [pigilan] sa plano ko para hindi kita masaktan [at] kung gusto mo pa makita pamilya mo,” sabi ni Leah.

Pagka-graduate sa high school, agad tumakas si Leah sa kumbento at humingi ng tulong sa Missionary Sisters of Mary at sa GABRIELA.

Kahapon nagsampa na siya ng patung-patong na kasong rape, acts of lasciviousness at child abuse laban kay Fr. Cabonce.

http://rp1.abs-cbnnews.com/video/nation/regions/08/26/11/priest-accused-raping-17-year-old

Para sa’yo Raul Cabonce, sana’y sumikat ka at mabuhay ng mahabang panahon

W.I.L.D. 4 -Defies Logic

There are some events in our lives that just defies logic. and we cannot do anything but to pray:

God, grant me the serenity to accept the things I cannot change,
Courage to change the things I can,

And wisdom to know the difference.

 

oh love…

W.I.L.D. 3 -People

Remember that everyone you encounter was created by divine intelligence and has an important role to play in the universe. Treat them as such.

W.I.L.D. 2 - Pagkatuto (Learning)

Medyo matagal na panahon na ng matigil ang aking kakayanang matuto ng mga bagong bagay. Wala itong kinalaman sa pagtatapos ko sa kolehiyo.

Sa totoo lang, binalak kong maging isang college professor noon pagkatapos ko sa kolehiyo, nagtrabaho ako sa isang kumpanyang multinasyonal upang makaipon para may pangmatrikula ako sa masteral(na isang qualification para makapagturo sa kolehiyo). Gusto kong magturo dahil nais ko sanang makatulong sa pagbabago ng sistema ng edukasyon sa paaralang mapapasukan ko kung sakaling makapagturo ako. 

Pero anong nangyari? Wala. Na-culture shock ako sa lintik na realidad. Na may mga tao palang nakapagtapos ng pag-aaral na wala namang ibang natutunan kundi sumipsip at magpa-cute. Dyuskong Mahabagin!! And they’re everywhere. 

Naniniwala akong ang pagkatuto ay may apat na stages.

  1. Stage 1- Alam mo ang isang bagay. (Knowledge)
  2. Stage 2- Nauunawaan mo ang isang bagay. (Understanding)
  3. Stage 3- Nagagamit/Nasubukan mo ang iyong naunawaan. (Application)
  4. Stage 4- Naituturo mo ang mga bagay na iyong nalalaman, nauunawaan at nasubukan (Dissemination)

Sa pang-apat na stage, hindi ito mapuputol, kapag itinuro ng tinuruan mo mga tinuruan niya at tuloy-tuloy na. Matagal ka ng patay pero ang idealismo mo ay nananatiling buhay.

At dahil na-culture shock nga ako sa realidad na madami palang taong wala naman palang kakayanang matuto, nireformat ko ang sarili ko para malaman ko ang kagamutan sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ko sa sarili ko. At eto ang natuklasan ko.

May dalawang requirements para matuto ang isang tao. 

  1. Kagustuhan (Willingness)
  2. Kakayahan (Capability)

Ang taong may kagustuhang matuto ngunit walang kakayahan(hindi ako naniniwala na may ganito) ay hindi kailan man matuto

Ang taong may kakayahang matuto ngunit walang kagustuhan ay hindi din matututo.

Ang taong wala nang kakayanang matuto at wala pang kagustuhang matuto ay hindi talaga matututo.

At ayon sa aking natuklasan, mas madalas na hindi kakayanan ang humahadlang upang matuto ang isang tao. Kadalasan, kagustuhan. Kaya ngaun, wala akong natututunan dahil ayoko lang matuto. AYOKO LANG. 

ayoko lang makinig. ayoko lang tumingin. ayoko lang maniwala.ayoko lang intindihin. ayoko lang gumising. ayoko lang. ayoko lang.

So sabi ko nga, kaya ginawa ko ang blog na ito para matuto ako. Dahil GUSTO KO NA. gusto ko nang matuto. at katulad ng lumang alarm clock na matagal nang hindi nagagamit at nalalangisan, kinakalawang din ang kakayanan nating matuto. Ang taong itinigil ang kagustuhang matuto ay nababawasan, hanggang sa mawala na rin ang kanyang kakayanan.

Goodluck na lang sa akin. :)

W.I.L.D. 1 -Mideo M. Cruz

                                      

http://www.facebook.com/pages/Mideo-M-Cruz/70584166349?sk=info

Aaaminin kong nakaramdam ako ng konting pagkainis sa nakita kong larawan sa album ni Mideo M. Cruz. Hindi naman ako katoliko-sarado at isa sa mga nagbabanal-banalan ngunit hindi ko maubos maisip kung saan humugot ng lakas ng loob si Mideo upang “banggain” ang mga tao at organisasyong nananalig  sa mga imaheng katulad ng nasa itaas. Dahil diyan, may natutunan ako sa araw na ito:

  1. Hindi porke’t merong Freedom of Expression ay may karapatan na tayong salaulain ang mga bagay/ paniniwala ng iba. Reverence for sacred things

Read More

Welcome To My What I Learned-Daily (W.I.L.D.) World

I am suffering from self-induced learning disorder. I think creating this blog can be a cure. I will try to post something everyday for me to remember things,if it will be of any help to others, the better. My entries may be in English, but most of it will be in my mother tongue. Any comments, good or bad, are welcome. Happy Reading. :)

What if…